top of page

RYAN JARA

BERSIKULO

Ryan Jara invite.jpg

Ryan Jara’s Bersikulo is a monumental chapter in the artist’s ongoing visual chronicle of the Filipino spirit—his most expansive exhibition to date. Through a Cubist idiom that fractures, refines, and reimagines the human form, Jara crafts a sweeping narrative that merges mythic scripture with the intimate terrain of family life. In his hands, Biblical stories become prisms through which to contemplate the soul of the nation and the Filipino family.

 

At the heart of the exhibition lies “Mapagtalimang Kawal,” an 8 x 18-foot epic that revisits the story of Gideon, the unlikely general who led a dwindled battalion of 300 against a vast enemy force. Here, Jara conjures a maelstrom of bodies and flame: soldiers in mid-charge tumble across a somber terrain, their forms jagged and bristling, flickering in torchlight. The darkened landscape is alive with the upheaval of battle, capturing not only the fury of physical confrontation but the spiritual crucible from which deliverance arises. The painting becomes an emblem of improbable triumph—of clarity emerging from chaos, of faith as a weapon sharper than any sword.

 

While the exhibition opens with divine warfare, its subsequent “verses,” as Jara calls them, pivot to the domestic realm. “Gabay sa Aking Buhay” is a family portrait whose Cubist configuration resists sentimentality while magnifying the symbolic. The father’s limbs and heart, while dismantled, are held tenderly. It is a visual metaphor for the family as a living body—each member an organ, a pulse, a lifeline, sustaining and protecting the emotional center of the home.

 

This deeply personal approach finds its most poignant expression in “Perpektong Regalo,” inspired by the verse, “Before I formed thee in the belly, I knew thee.” The painting depicts Jara’s son, who is on the autism spectrum, not as a figure to be resolved but as a constellation of radiant fragments. The son’s being is rendered as a kaleidoscope—disjointed but luminous, imperfect only in the human sense. Here, Jara’s radical distortions achieve something rare: a portrait of unconditional love unburdened by the need for coherence. Wholeness, he suggests, is not symmetry—it is presence, acceptance, and grace.

 

In Bersikulo, Jara’s visual language becomes a kind of scripture—one that eschews dogma in favor of revelation. Through jagged geometries and layered perspectives, he unearths both the magnitude of collective struggle and the sanctity of everyday life. His is an avowal of faith not merely in the divine, but in the frailty and resilience of human connection. Each painting is a verse, each distortion a deeper truth.

 

 

-Carlomar Arcangel Daoana

CARLO GABUCO & EUNICE SANCHEZ

sa lukong ng mga palad (in the hollow of palms)

Finale Poster - sa lukong ng mga palad.png

Ang simula’y pagyakag ng kamay sa kamay na umalala. Anong bigat, anong gaspang, ng mga palad na pinangsasalikop. Anong gaan, anong lambot, ng mga daliring hinuhulma sa hugis ng mga bagay. Ang kamay na ganap na humuhuli, maging sa mga imaheng naibigan ng mata. Ang kamay na bagyong lumilikha’t sumisira. Ang kamay na may tiyak lamang na laki at lapad na siyang hangganan ng maaaring maari at hindi. At matapos ang pag-angkin ay ang tanong: nasaan ang mga bagay na nawala/nakawala sa ating mga kamay? 

 

Mababanaag sa unang tingin na ang eksibisyong “Sa Lukong ng mga Palad” ay pakikiniig nina Eunice Sanchez at Carlo Gabuco sa labi—sa mga naiwan ng walang-pakundangang paggamit sa mundo. Oo, nakatitig ito sa kakagyatan ng kontemporanyo na harapin, ng personal at kolektibo, ang mga krisis ng kasalukuyan. Ngunit ang higit na taimtim na binabakas nina Sanchez at Gabuco ay ang mga bagay na sinubukang angkinin ng kamay ngunit sadyang naging tubig—sinundan ang lukot ng mga palad, ang ligid ng mga kalyo, hanggang matagpuan ang guwang sa pagitan ng mga daliri. Nililimi ng mga obra nina Sanchez at Gabuco na ang paghahanap sa mga bagay na ito ay maaaring mag-umpisa sa kasukalan ng arkibo. 

 

Kapwa potograpo, ang lagi’t laging nakalatag sa harapan nina Sanchez at Gabuco ay hindi ang kasalatan ng imahe [na malaking suliranin, halimbawa, sa mga aktibista-arkibista ng mga marhinalisadong komunidad] kundi ang umuugong nitong kaliwanagan—ang mga kulay na walang kasing-tingkad, ang laksang larawang nakalulunod. Maaaring sa puntong ito naging mapanghalina ang kalabuan bilang udyok sa paglikha nila sa mga obra. Mula sa mga mukhang paulit-ulit na pinipinta at binubura sa kambas hanggang sa analogong proseso ng pag-iimprenta ng imahe sa di-mawari-waring asul, niyayakap nina Sanchez at Gabuco ang kalabuan. Pagsuko ba ito sa paghahanap sa mga bagay na hindi nasasakop ng kamay? At kung gayon, ay pagsuko rin sa posibilidad ng pagpapatuloy lagpas ng pag-angkin? 

 

Naniniwala akong ang layon ng nilikhang kalabuan nina Sanchez at Gabuco ay hindi ang marahas na transpormasyon upang gawing di kabasa-basa o di kakita-kita ang naiwan mula sa mga marhinalisadong ideya/lawas/komunidad. Pagtatanong itong muli hinggil sa katuturan ng pag-intindi sa mga bagay na madulas sa kamay. Dumudulog ito sa ideya ng “karapatan sa opasidad” ng kritikong si Eduoard Glissant [Poetics of Relation, 1997] na itinuturo ang pagsalunga sa legasiya ng kolonyalistang epistemolohiya, ng kaliwanagan ng pag-angkin, na siyang bumaluktot sa kahulugan ng mga bagay. 

 

Sa pagitan nina Sanchez at Gabuco, maging ng kanilang mga obra, nangungusap ang kalabuan sa kapanatagan ng sarili sa pagkakaiba. Ito ay ang hindi ganap na pag-intindi ngunit patuloy na pakikiisa sa kapwa. Sa paglinang sa rekuperatibong espasyo ng eksibisyon, na umiiral sa harap ng unti-unting pagguho ng mga istruktura ng lipunan at pagka-agnas ng mundo, nais nilang ibukas ang isang anyaya ng pagtitipon—ang pag-aabot ng kamay sa kamay ng iba upang makibahagi at magbahagi; ang pagbubukas ng palad upang muli’t muling dito dumaloy. 

 

 

[Ryan Cezar Alcarde]

bottom of page